DOH nakapagtala ng mahigit 6,000 COVID-19 cases sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,385 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,124, 724 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 55,260 naman ang aktibong kaso.

May 4,289 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,050,643 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 107 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 18, 821 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID -19. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: