DOH nakapagtala ng mahigit 7,000 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 7,302 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa

Dahil rito, pumalo na sa 1,315,639 ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 59,865 naman ang aktibong kaso.

May 7,701 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1, 232,986 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 137 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 22,788 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Please follow and like us: