DOH nakapagtala ng mahigit 8 libong bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 8,355 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 803,398 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 143,726 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 145 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 646,237 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 10 naman na bagong nasawi dahil sa virus. Sa ngayon umabot na sa 13,435 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Please follow and like us: