DOH nakapagtala ng mahigit 8 libong bagong kaso ng COVID 19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 8,748 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,037,460 ang kabuuang kaso ng COVID 19 na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 73,908 naman ang aktibong kaso.

May 4,143 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 946, 318 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 89 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 17,234 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: