DOH, nakapagtala ng panibagong 11,429 Covid-19 cases; Kabuuang kaso mahigit na sa 900,000

Pumalo na sa 904,285 ang kabuuang kaso ng Covid 19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 11,429 na bagong ng kaso ng Covid 19.

Pero sa bilang na ito, 183,527 ang aktibong kaso.

May 856 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 705,164 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa Covid 19.

May 148 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 15, 594 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Covid 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: