DOH, nakapagtala ng panibagong 5,204 kaso ng Covid-19

Umabot na sa 49,128 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,204 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 5,811 naitalang bagong gumaling.

May 100 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 26,015 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,478,061 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,402,918 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: