DOH nakapagtala ng panibagong 5,685 kaso ng Covid-19 ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,685 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,073, 555 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 62,713 naman ang aktibong kaso.

May 8,961 naman na naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 993, 042 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus infection.

May 178 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 17,800 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Covid 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: