DOH, nakapagtala ng panibagong 7,058 bagong mga kaso ng Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health ng panibagong 7,058 na mga kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 1,223,627 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa.

Pero mula sa nasabing bilang, 53,757 ang aktibong kaso.

Samantala nakapagtala rin ang DOH ng bagong 6,852 na mga gumaling sa karamdaman kaya pumalo na sa 1,149,010 ang recovered cases sa bansa.

Mayroon ding naitalang 139 na bagong mga namatay kaya umakyat na sa 20,860 ang death toll ng bansa dahil sa Covid-19.

Please follow and like us: