DOH nilinaw na hindi epicenter ng COVID-19 ang Davao City

Nilinaw ng Department of Health na hindi maituturing na epicenter ng COVID-19 ang Davao City na hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ayon kay Usec Ma Rosario Vergeire, tagapagsalita ng Department of Health, patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon sa Davao City dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ipinaliwanag ni Vergeire na ang epicenter ay tumutukoy sa lugar kung saan nagsimula ang infection.

Ang Davao City aniya ay hindi naman lugar kung saan nagmula ang COVID 19 virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: