DOH pinadaragdagan ng pondo dahil sa nananatiling epekto ng pandemya

Pinadaragdagan ni Senator Christopher Bong Go ang pondo ng Department of Health .

Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Go na dapat palakasin ang healthcare system ng bansa para maging handa sa mga kahalintulad na krisis dulot ng COVID-19.

Malaki aniya ang maitutulong kung mabibigyan ng sapat na pondo ang DOH para sa health recovery efforts ng pamahalaan.

Kasama na sa dapat tustusan ang pagbibigay ng tamang kompensasyon sa healthcare workers para hindi sila mangibang bansa at matiyak na maayos ang serbisyo sa publiko.

Sa kasalukuyan aniya ,marami pa ring healthcare workers ang dumadaing dahil sa maliiit na suweldo at kulang na allowances lalo na sa public hospitals at public healthcare facilities.
Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *