DOH, pinawi ang pangamba ng publiko sa Omicron XE variant

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko matapos may bagong sublineages na naman ng Omicron variant ng COVID-19 ang nadiskubre sa South Africa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na wala pa namang naiulat na pagsirit ng COVID-19 cases o nasawi dahil sa virus sa South Africa.

Muli namang tiniyak ng ahensya na sa ngayon ay wala paring kaso ng Omicron XE o iba pang recombinant variant ang natukoy dito sa bansa.

Batay na rin umano ito sa pinakahuling sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: