DOH suportado ang pagkakatalaga kay Sec. Carlito Galvez bilang vaccine czar

Nagpahayag ng suporta ang Department of Health sa pagkakatalaga kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez bilang Vaccine Czar.

Ayon sa DOH, katuwang ni Galvez ay titiyakin nila na ang bakuna para sa covid 19 na gagamitin sa bansa ay ligtas at epektibo.

Sisiguruhin din aniya nila na ang mga bakuna ay magiging accessible para sa lahat.

Kabilang sa magiging trabaho ni Galvez bilang vaccine czar ay ang pakikipag negosasyon sa mga kumpanya na gumagawa ng COVID-19 vaccine, at maging ang produksyon o pamamahagi nito.

Una rito, nagtalaga na rin si Pangulong Duterte ng iba pang czar para sa testing, isolation, treatment, at contact-tracing efforts kaugnay ng COVID-19 response ng pamahalaan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: