DOH,nakapagtala ng 81 na active cases ng COVID-19

Bumaba na sa 81 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga medical frontliner dito sa bansa.

Sa datos ng Department of Health, ang 35 rito ay mild, 14 ang asymptomatic, 8 ang nasa moderate condition, 15 ang severe at 9 ang kritikal.

Sa kabuuan, aabot sa 20, 583 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19.

Pinakamarami sa kanila ay mga nurse, sinundan ng mga doktor at nursing assistant.

Ang 20,402 naman sa kanila, nakarekober na mula sa sakit.

May 100 namang medical frontliner ang nasawi dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: