DOLE hinikayat ang mga establisimyento na mag- apply para sa Safety Certification seal

Bilang bahagi ng inisyatiba para sa ligtas na unti unting pagbubukas ng ekonomiya, hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga pribadong establisimyento na mag-aplay na para sa safety certification seal.

Ang seal na ito ay patunay na ang isang establisimyento ay sumusunod sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan gaya ng social distancing at paggamit ng contact-tracing application.

Ayon kay Bello, isa rin itong assurance sa publiko na ligtas magtungo sa isang establisimyento gaya halimbawa ng mga mall.

Bagamat boluntaryo aniya ang aplikasyon para rito, sinabi ng kalihim na malaking tulong ito para mapataas ang confidence ng publiko na ligtas sila sa paglabas ng bahay.

Libre rin aniya ang aplikasyon para rito.

Ang DOLE ang nag-iisyu ng certification para sa mga establishments sa manufacturing, construction, utilities, information and communication, at warehousing industries.

Madz Moratillo

Please follow and like us: