DOTr, pinagpapaliwanag sa mas lalu pang lumalalang serbisyo ng MRT

Pinagpapaliwanag ni Senador Nancy Binay ang Department of Transportation o DOTr sa mas lumala pang problema sa Metro Rail Transit o MRT.

Ayon kay Binay, nangako si DOTr Secretary Art Tugade na magiging maayos ang serbisyo ng MRT dalawang taon na ang nakalilipas pero tila lumala pa ang serbisyo nito.

Katunayan, araw araw may aberya sa mga tren at madalas na pagpapababa sa mga pasahero.

Sabi ni Binay, 2016 pa sinabi ni Tugade na madadagdagan ng animnapung bagong bagon na inaasahang magdaragdag sa biyahe ng MRT pero wala pa ring nangyari.

Ilang taon na aniyang nagtitiis mga commuters sa mababang kalidad ng serbisyo at lalo pang lumala ang estado nito.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

==== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *