DPWH Secretary Bonoan, Lusot na sa Commission on Appointments

Lusot na sa Commission on Appointment si Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.

Walang tumutol sa mga miyembro ng CA nang isalang ang kanyang Ad Interim Appointment.

Pero bago tuluyang aprubahan nakwestyon si Bonoan sa paglobo ng kaniyang assets.

Partikular na kinuwestyon ni Senador Imee Marcos ang 32 million pesos na natanggap niya at nag reflect sa kanyang June 2022 Statement of Assets Liabilities and Networth.

Pero depensa ni Bonoan, galing ito sa kaniyang unpaid pension matapos siyang magretiro sa San Miguel Corporation habang ang iba galing sa kaniyang mga negosyo.

Inatasan naman ng mga mambabatas si Bonoan na resolbahin na ang isyu ng right of way na nagiging problema kaya na de delay ang mga government infrastructure project.

Isa sa tinukoy ni Senador Cynthia Villar ang problema sa Cavite Laguna Expressway.

Habang tumatagal ang proyekto ,bumabagal rin aniya ang paglago ng ekonomiya.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *