DSWD, nakapagbigay na ng P 150- M na financial at food assistance sa mga biktima ng bagyong Paeng

Umabot na sa 150 million pesos ang naipamahaging Financial at Food Assistance sa mga pamilyang naging biktima ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa.

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na nasa 1.1 milyong pamilya ang naapaektuhan ng bagyong Paeng ang natulungan na ng DSWD mula sa 16 na rehiyon.

Ayon kay Lopez mayroon pang tinatayang 35 libong pamilya na nasa ibat-ibang evacuation centers ang patuloy na inaaalagaan ng DSWD katulong ang mga Local Government Units.

Inihayag ni Lopez mayroon pang natitirang 1.2 bilyong pisong standby at quick response  funds ang DSWD na magagamit kung sakaling mayroong panibagong kalamidad na tatama sa bansa.

Binigyang diin ni Lopez na hindi dapat na mag-alala ang publiko sa pondo ng DSWD na ginagamit sa pagtulong sa mga lugar na posibleng tamaan ng mga susunod na kalamidad dahil agad namang pinupunan ng Department of Budget and Management o DBM ang calamity fund ng DSWD.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *