Durant at Irving pinangunahan ang Nets para daigin ang Pacers

Kevin Durant reacts with Kyrie Irving of the Brooklyn Nets during the second half against the Indiana Pacers at the Barclays Center on April 10, 2022 in the Brooklyn borough of New York City.Sarah Stier / Getty Images / AFP

Pinangunahan ni Kyrie Irving at Kevin Durant sa pamamagitan ng kanilang pinagsanib na 55 points, ang pagwawagi ng Brooklyn Nets laban sa Indiana Pacers sa score na 134-126 nitong Linggo (Lunes sa Maynila), upang umabante para sa play-in sa susunod na linggo.

Ang panalo ay nangangahulugan na haharapin ng Brooklyn ang Cleveland Cavaliers sa isang home game ngayong Martes, kung saan sinuman ang manalo ay direkta nang pasok sa playoffs bilang seventh seed.

Si Irving ay gumawa ng 35 points, seven rebounds at five assists habang kinumpleto naman ito ni Durant sa pamamagitan ng isang triple double ng 20 points, 10 rebounds at isang career-high na 16 assists.

Ayon kay Durant . . . “It’s been an up and down last few weeks for us — winning some games, losing some games. I think we’re finding out who we are as a group and that’s always a good thing. It’s been a long year and this is the perfect time of the year to play our best basketball.’

Sakaling manalo ang Brooklyn sa Martes laban sa Cleveland, ay susunod nitong makakaharap ang second-seeded Boston Celtics sa Eastern Conference playoffs.

Please follow and like us: