EJ Obiena wagi ng ginto sa Germany

Screen grab from EJ Obiena FB

Isa na namang gintong medalya ang napanalunan ng Pinoy Olympic pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena, kung saan nakapagtala siya ng 5.93 meters.

Ito ay sa 2024 ISTAF Indoor event sa Berlin, Germany.

Naungusan niya si Tray Oates ng America na nakapagtala ng 5.75 meters, upang makuha ang ikalawang puwesto, habang nakuha naman ni Robert Sobera ng Poland ang ikatlong puwesto makaraang makapagtala ng 5.66 meters.

Ang 5.93 meters na naitala ni Obiena, ay ang pinakamataas na naitala niya para sa dalawang kompetisyon ngayong taon.

Bago ito, ay nakapagtala si Obiena ng 5.83-meters upang makuha ang gintong medalya sa Memorial Josip Gasparac indoor event sa Croatia.

Susunod namang lalaban si Obiena sa Scotland para sa World Indoor Championship na gaganapin sa Glasgow, sa Marso 3.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *