Enlisted personnel ng Philippine Coast Guard, patay sa pamamaril

Patay ang isang enlisted personnel ng Philippine Coast Guard matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa kanyang bahay sa Port Area, Maynila kaninang umaga.

Ayon sa PCG, batay sa salaysay ng mga residente malapit sa lugar ay nakarinig sila ng 4 na putok ng baril.

Kinilala ng PCG ang nasawing tauhan na si Seaman Second Class Muktar Tahajid.

Ang labi ni Tahajid ay ibabyahe naman pauwi sa Zamboanga kung saan naroon ang pamilya nito.

Nagsasagawa naman na ng joint investigation ang Coast Guard Intelligence Force, PNP – SOCO at Manila Police District sa pangyayari.

Madz Moratillo

Please follow and like us: