Espenido, inatasan ng DOJ na humarap sa Prelim investigation kaugnay ng pagkakapatay sa Ozamis 9

Inatasan ng Department of Justice sina Ozamiz City Police Head Chief Inspector Jovie Espenido at iba pang kasamahan nito na dumalo sa isasagawang preliminary investigation ng ahensiya sa Agosto 12 at 22.

Ito’y may kaugnayan sa kasong murder na isinampa laban sa kanila ni Carmelita Manzano matapos ang pagkakapatay sa tinaguriang Ozamiz 9 at pagkaka-aresto ng iba pang mga kasamahan nito.

Matatandaang Hunyo 1 ng gabi nang maka-engkwentro ng Ozamiz City Police Station at Provincial Police Safety company ang grupo ng mga namatay sa isang routine operation matapos makatanggap ng reklamo ng pamamaril at panghoholdap.

Kinilala ang mga namatay na sina Francisco Manzano, Joel Espina Mira, Jerry Manzano, Romeo Libaton, Lito Manisan, Alfie Mahusay, Anjun Simene, at Consorcio Rubio Sr.  at isang hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan.

Habang ang mga naaresto naman ay sina Jonner Libatug, Laureto Ugmad, Janice Manzano, Carmelita Manzano, at Monaliza Ugmad.

Sa pagtungo naman ni Espenido sa DOJ, nanindigan ito na lehitimo ang kanilang ginawang operasyon kaugnay sa martilyo gang at iginiit na hindi mamamatay ang mga suspek kung hindi sila nanlaban.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *