Europe nagpatupad ng bagong lockdown, fans ban sa Tokyo Olympics

French national police officers control drivers at night, during the first day of a new nighttime curfew and a partial lockdown aimed at curbing the spread of the Covid-19 pandemic in Paris, on March 20, 2021. – Several European countries introduced new lockdown measures on March 20, 2021 as they battled surging coronavirus infections. A third of France’s population woke up to new restrictions, with non-essential shops shut in Paris for at least a month, although schools are staying open. (Photo by Ludovic MARIN / AFP)

PARIS, France (AFP) — Nagpatupad ng bagong lockdown measures ang ilang bansa sa Europa bunsod ng biglang pagtaas sa bilang ng coronavirus infections, habang napilitan naman ang Tokyo Olympics organizers na mag-anunsyo ng “hindi maiiwasang” ban sa overseas fans para panatilihing ligtas ang mga palaro.

Ang Poland, ilang bahagi ng France at Ukraine, na kapitolyo ng Ukraine ay pawang nagpatupad ng mga bagong restriksyon, kung saan karamihan sa mga tindahan at mga mamamayan ay hinikayat na sa bahay na lamang magtrabaho o gawin ang negosyo.

Sa ibang bahagi naman ng Europe, ang pagkabigong mapigilan ang COVID-19 ay sinabayan pa ng malalaking anti-restrictions protest, gaya sa German city ng Kassel, habang libo-libo rin ang lumalahok sa katulad na demonstrasyon sa Liestal, Switzerland at London.

Ang protesta sa Kassel na inorganisa ng isang grupo, ay nilahukan ng mga aktibista mula kapwa sa far-left at far-right, maging ng anti-vaxxers at conspiracy theorists.

Ayon sa AFP data, ang pandemya ay mabilis pa ring kumakalat sa buong mundo, kung saan ang bilang ng mga bagong COVID-19 infections ay tumaas ng 14% sa nakalipas na linggo.

Si Prime Minister Imran Khan ng Pakistan, ang pinakabagong world leader na nagpositibo, dalawang araw matapos mabakunahan ng Sinopharm vaccine ng China.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita, ang dating cricketing legend ay naka-self-isolate, at mayroon lamang mild symptoms.

Higit naman sa 1/3 ng populasyon ng France ay nasa ilalim ngayon ng panibagong lockdown, dahil gaya ng ilang kapitbahay nilang bansa sa Europa, dumaranas sila ngayon ng third wave ng virus.

Higit 400 milyong vaccine doses na ang naibigay sa mga tao sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, at una na ring inihayag ng Tokyo Olympics na kung itutuloy ang mga palaro ay pagkakataon ito para magbigay pruweba ng tagumpay ng sangkatauhan laban sa virus.

Ngunit nitong Sabado, ay inanunsyo ng Olympics chiefs na iba-ban nila ang overseas fans dahil lubhang mapanganib pa rin ang mag-imbita ng malaking international crowd sa Japan.

Sinabi ni Tokyo 2020 chief Seiko Hashimoto . . . “We have to ensure a safe and secure environment for all the participants. “It was an unavoidable decision.”

Dahil ditto, ang Tokyo Games ang magiging kauna-unahang Olympics na walang overseas spectators.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: