Exclusive contract ng K-Pop group na Momoland, tatapusin na ng MLD Entertainment

South Korean girl group 'Momoland' pose on the red carpet of the '2021 Asia Artist Awards' in Seoul on December 2, 2021. (Photo by Jung Yeon-je / AFP)

South Korean girl group ‘Momoland’ pose on the red carpet of the ‘2021 Asia Artist Awards’ in Seoul on December 2, 2021. (Photo by Jung Yeon-je / AFP)

Opisyal nang inanunsiyo ng MLD Entertainment, na tatapusin na nito ang exclusive contract ng natitirang anim na miyembro ng K-Pop group na Momoland, makalipas ang pitong taon nitong pag-manage sa career ng grupo.

Gayunman, hindi pa tiyak kung ang mga ito maghihiwa-hiwalay na, bubuo ng panibagong grupo o itutuloy ang kanilang career bilang solo artists.

Samantala, hinikayat ng MLD Entertainment ang fans nina Hyebin, Jane, Nayun, JooE, Ahin, at Nancy na patuloy pa rin nilang suportahan ang mga ito.

Ang Momoland ay nakilala sa kanilang hit song na ‘Bboom Bboom’ na naging isang sikat na dance craze matapos itong i-release noong 2018.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *