EXCLUSIVE: SOJ Guevarra isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga

Isinugod sa ospital nitong Martes ng umaga si Justice Sec. Menardo Guevarra matapos mahirapang huminga.

Si Guevarra ay isa sa mga guest interviewees sana sa programang ASPN ng NET25 ngayong Nobyembre 9.

Pero, ipinabatid ni Guevarra sa staff ng programa na kanselahin muna ang panayam sa kanya dahil siya ay dinala sa pagamutan.

Sinabi ng kalihim na nakaranas siya ng kahirapan sa paghinga kaya siya isinugod sa ospital.

Sa kanyang text message sa media nitong 4:00pm, sinabi ni Guevarra na naka-confine pa rin ito sa ospital para sumailalim sa ilan pang medical tests gaya ng angiogram.

Inamin ng kalihim na ilang linggo na siyang may problema sa paghinga at nakararanas ng fatigue.

Please follow and like us: