Fire Marshals ng Pangasinan, sumailalim sa Fundamentals of Markmanship

Sumailalim sa pagsasanay mula sa Phil. Army, ang mga Fire Marshal ng Pangasinan sa tamang paghawak at paggamit ng baril, assembly at disassembly at demonstration.

Ang training na bahagi ng paghahanda ng ahensya sa posibilidad na armasan ang mga ito, ay ginanap sa Camp. Lt. Tito Abat Manaoag, Pangasinan.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, na plano nitong armasan ang mga buobero.

Ayon sa ilang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP), makatutulong ang pag-aarmas sa kanila upang masiguro ang kaligtasan ng bawat miyembro sa pagpapatupad ng batas.

Ang BFP ang ahensya na naatasang magpatupad ng batas patungkol sa fire safety, at pag -iimbestiga ng mga arson case.

Ulat ni Grace Bernal

Please follow and like us: