Fishing vessel nasunog sa Cuyo, Palawan

Photo Courtesy of PCG Eastern Palawan

Nasunog ang isang fishing vessel sa karagatang sakop ng Cuyo, Palawan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), naapula naman ang apoy pero makalipas ang ilang oras ay lumubog rin ang FV Victory 89.

Dalawang tripulante ang nagtamo ng first degree burn pero lahat naman ay ligtas na.

Patuloy na iniimbestigahan ng PCG ang sanhi ng sunog.

Naglatag na rin ng oil spill boom ang mga Coast Guard personnel sakaling may tumagas na langis mula sa fishing vessel.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *