Flag raising ceremony sa Davao city, pinangunahan ni VP Sara

Pinangunahan  ni  Vice President Sara Duterte ang huling flag raising ceremony  sa Davao city bago siya bumaba bilang Alkalde ng lungsod.

Ito rin ang unang flag raising pagkatapos ng dalawang taon ng pananalasa ng COVID- 19.

Personal na nagpaalam si VP Sara sa mga empleyado mula head, office clerk hanggang utility, mga doktor, pulis at iba pang mangagawa.

Nagpasalamat siya sa mga empleyado at mga kapwa Dabawenyo sa kanilang suporta para magsilbi sa ehekutibo at naipagpatuloy ang pagseserbisyo sa mga kababayan kahit siya ay naka leave at nangampanya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: