Flood alert sa ilang bahagi ng Central Luzon, pinalawig pa ng PAGASA

Mas pinalawig pa ng PAGASA ang umiiral na flood alert sa ilang bahagi ng Central Luzon dahil sa habagat at thunderstorm.

Dahil dito, binabaha ngayon ang mabababang lugar sa Zambales at Bataan.

Bukod ditto,  asahan din ang pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, Laguna, Quezon, Cavite at Batangas.

Inaasahang tatagal pa ang ganitong lagay ng panahon hanggang sa mga susunod na araw.

Muli namang nilinaw ng PAGASA na walang bagyo at Low Pressurea Area sa loob ng Philippine area of responsibility.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *