Frontline Tourism workers kasama na rin sa A1 priority group ng vaccination program

Kasama na ngayon sa A1 ng priority group sa vaccination program ng gobyerno ang mga frontline workers sa industriya ng turismo.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, batay sa desisyon ng National Task Force ang mga frontline tourism workers sa mga accommodation establishments na nagsisilbi bilang isolation facilities o quarantine hotels ay kabilang na ngayon sa A1 priority group.

Ang A1 ay una ng inilaan para sa medical frontliners.

Nagpasalasamat naman si Puyat sa pagsama sa mga frontline tourism workers sa A1 na malaking bagay para mabigyan sila ng proteksyon laban sa COVID 19.

Ang iba naman sa mga manggagawa na nasa Tourism sector ay makakabilang sa A4 priority group na inaasahang masisimulan namang bakunahan simula sa susunod na buwan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: