Full Cabinet meeting, ipinatawag ni Pangulong Duterte ngayong araw

Pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang kanyang gabinete sa Malakanyang.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpatawag ng full cabinet meeting si Pangulong Duterte mula noong Marso kung saan nagpatupad ng total lockdown dahil sa pandemya ng Covid-19 sa bansa.

Ayon kay Nograles pangunahing agenda sa pulong ng gabinete ang ukol sa mga isyu ng ekonomiya ng bansa na naapektuhan dahil sa Covid-19.

Inihayag ni Nograles tatalakayin sa cabinet meeting kung papaano papayagang buksan ang operasyon ng lahat ng negosyo sa bansa sa ilalim ng new normal.

Niliwanag ni Nograles nais ng economic team ng pamahalaan na buksan na ang operasyon ng mga negosyo para makabangon na ang ekonomiya ng bansa ngayong huling quarter ng taon.

Vic Somintac

Please follow and like us: