Fully-vaccinated sa target population sa CALABARZON, nasa 25% na

Umaabot na sa mahigit 2.85 milyong indibiduwal sa CALABARZON ang nakakumpleto ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, katumbas ito ng 25% ng target na populasyon sa rehiyon para makamit ang herd immunity.

Ang mga kabilang sa A4 category o economic frontliners ang pinakamarami sa fully-vaccinated na 934,004.

Ang lalawigan naman ng Cavite ang may pinakamarami na nabakunahan sa target population nito na umabot na sa 29%.

Sa kabuuan ay halos 6.4 milyong katao na ang nakatanggap ng parehong una at ikalawang dose ng anti-COVID vaccines sa rehiyon.

Moira Encina

Please follow and like us: