Fully vaccinated vs COVID-19 sa CALABARZON, higit 8.55M katao na

Lagpas 8.55 milyong indibiduwal sa Region IV-A o CALABARZON ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Katumbas ito ng 73% ng target na mabakunahan sa rehiyon na 11.65 milyon katao.

Ang Cavite ang una sa pinakamaraming naturukan sa rehiyon ng kumpletong dose.

Sa datos ng DOH CALABARZON, 80% o 2.46 milyong katao mula sa target nito na 3.07 milyong populasyon ang tapos na sa kanilang primary doses.

Sumunod ang Laguna na 79% at Batangas na 75% ng target ang bakunado na ng dalawang doses.

Moira Encina

Please follow and like us: