General Santos City MTCC Branch 3, pansamantalang sarado matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang kawani

Ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara ng General Santos City Municipal Trial Court In Cities Branch 3 matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang empleyado.

Sa memorandum ni Presiding Judge Annie May Braga- Leuterio, sinabi na pisikal na sarado ang MTCC Branch 3 hanggang sa November 20.

Huling pumasok sa trabaho ang nasabing dalawang staff noong November 6 at 9, at lumabas lamang ang resulta ng kanilang COVID test noong November 17.

Tuloy naman ang trabaho at operasyon ng korte sa pamamagitan ng work-from-home arrangement at videoconferencing technology.

Moira Encina

Please follow and like us: