Grand finals ng Tagisan ng Galing part 2 Sing at Dance edition, ginanap sa Philippine Arena

Sinimulan na ang Grand finals ng pinaka-aabangang Tagisan ng Galing part 2 Sing and Dance edition na isinagawa sa Philippine Arena .

Kaninang alas -dose ng tanghali nang magtanghal ang grand finalist ng kanilang Round 2 performances .

Nagharap sa singing stage ang mga finalist na sina Chito Ricafrente , Karl Aris Tanhueco, Kimberly Reyes at Elizabeth Leyba.

Habang ang mga grupo namang ‘The Sirens’, ‘Junior new system’, ‘BMAD unknown, ‘IMPACT BOIZ’ at ang Duo performer na ‘Jed and Rose’ ang nagpasiklaban sa dance floor ng Tagisan ng Galing.

At abangan mamayang alas – nuwebe ng gabi kung sino ang tatanghaling grand winners sa parehong kategorya ng Tagisan ng galing part 2.

Please follow and like us: