Grizzlies umabante na sa NBA playoffs

Ja Morant #12 of the Memphis Grizzlies is fouled by Patrick Beverley #22 of the Minnesota Timberwolves in the second quarter during Game Six of the Western Conference First Round at Target Center on April 29, 2022 in Minneapolis, Minnesota.DAVID BERDING / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / GETTY IMAGES VIA AFP

Umabante na ang Memphis Grizzlies sa Western Conference semifinals, nang talunin ang Minnesota Timberwolves sa Game Six, sa score na 114-106, sa Target Center sa Minneapolis nitong Biyernes (Sabado, Manila time).

Si Desmond Bane ay gumawa ng isang three-pointer sa natitirang tatlong minuto at tatlong segundo ng laro, para ibigay sa Grizzlies ang una nilang lead sa second half, 101-99.

Pagkatapos nito ay hindi na nabawi ng Wolves ang kanilang momentum, nang hindi na pakawalan ni Ja Morant at ng Grizzlies ang kanilang advantage hanggang sa final buzzer.

Si Morant ay mayroong 17 points, 11 assists, at eight rebounds habang sina Dillon Brooks at Bane ang nanguna sa koponan para sa tagumpay, sa pamamagitan ng kanilang tig-23 points.

Samantala, nag-ambag din si Jaren Jackson, Jr. ng isang double-double ng 18 points at 14 rebounds.

Hindi naman umubra ang 30 points ni Anthony Edwards, maging ang career-high 24 points ni Jaden McDaniels para sa Minnesota, upang makuha ang panalo.

Susunod namang makakaharap ng Grizzlies ang Golden State sa susunod na round, kung saan ang Game One ng kanilang series ay magsisimula bukas, Linggo (Lunes, Manila time).

Please follow and like us: