Groundbreaking ceremony ng Valenzuela Medical center , pinangunahan ni Senador Go

Pinangunahan ni Senador Christopher Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Health ang groundbreaking ceremony ng four storey hospital sa Valenzuela Medical Center.

Sa pamamagitan ng bagong gusali, magkakaroon ng karagdagang Laboratory facilites, Radiology department, intensive care unit at pasilidad para sa Dialysis at Chemotherapy.

Ayon sa pamunuan ng Ospital, maari ring matapos at mapakinabangan ng mga taga Valenzuela sa Second quarter ng 2023.

Ayon kay Senador Go, dalawang Malasakit center na rin ang naipatayo sa Valenzuela para tugunan ang pangangailangan sa pagpapagamot ng mas maraming pasyente.

Naglagay aniya ang tanggapan ni Pangulong Duterte ng karagdagang 50 million pesos sa Malasakit center para tulungan ang mahihirap na mamamayan na walang pampagamot.

Meanne Corvera

Please follow and like us: