Grupo ng mga abogado nababahala na magdulot ng mas mapanganib na sitwasyon ang pagpabor ng SC sa batas militar

Nangangamba ang National Union of People’s Lawyers na magdulot ng mas mapanganib na sitwasyon ang pagpabor ng Korte Suprema sa Martial Law sa Mindanao .

Ayon sa NUPL, isang mapanganib na desisyon sa mapanganib na panahon ang ruling ng Supreme Court.

Pinalabnaw anila ng Korte Suprema ang tinatawag na constitutional safeguard.

Abogado ang NUPL ng mga militanteng grupo na isa sa mga petitioner sa kaso.

Sinabi ni NUPL Secretary General Atty. Ephraim Cortez, dapat na singilin ng kasaysayan ang mga mahistrado dahil sa tumataas na paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *