Guevarra: Mga Pinoy crew ng FB Gem- Ver 1, tatanggap ng P6-M kompensasyon

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may final settlement na sa ibabayad na danyos sa 22 Pilipinong mangingisda ng bangkang lumubog matapos banggain ng Chinese vessel noong Hunyo 2019 malapit sa Recto Bank.

Sinabi ng kalihim na Php6 milyon ang napagkasunduan na kompensasyon sa mga Pinoy crew at owner ng F/B Gem- Ver 1.

Ayon kay Guevarra, ang may-ari ng Gem-Ver ang tatanggap sa nasabing halaga para sa mga mangingisda.

Una nang inihayag ng DOJ na ipinursige ng gobyerno ng Pilipinas ang compensation claim ng mga may-ari at crew ng Gem-Ver para sa pinsalang tinamo ng kanilang fishing vessel, nawalang kita, at sa dinanas na moral suffering at mental anguish.

Iginiit ng DOJ at DFA panel na nakipagpulong sa mga kinatawan ng Chinese vessel na
bigo ang mga tauhan nito na tulungan ang mga Pinoy na mangingisda na malinaw na nangangailangan ng saklolo sa karagatan na paglabag sa international conventions at maritime law.

Moira Encina

Please follow and like us: