Halos 2 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Zamboanga city

Dalawang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa buy-bust operation sa Zamboanga city.

Sa ulat ng Police Regional Office-9, nadakip sa operasyon ang isang Fahad Werble alyas Fahad sa Asinan, Barangay Kasanyangan.

Maliban sa 280 gramo ng shabu, nakuha rin sa suspect ang 1,000 pisong marked money at nasa 69 tig-iisanlibong pisong bills.

Dinala na s PNP Region 8 Crime Laboratory office ang mga nasabat sa suspek para sa inventory.

Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us: