Halos 2 milyong pisong halaga ng white onions nasabat sa Maynila

Aabot sa 1.95 milyong pisong halaga ng puting sibuyas ang kumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Tondo, Manila.

Ayon sa BOC, aabot sa 1,147 bag ng puting sibuyas ang nakuha nila sa nasabing storage facility.

Inihayag ng BOC, nang dumating ang raiding team ay wala ang may-ari ng gusali o kahit administrator kaya hiniling nila sa naroong opisyal ng Barangay na tanggapin ang Letter of Authority para makapag inspeksyon sila.

Dito nila nakita ang mga puting sibuyas na ayon sa mga kinatawan ng Bureau of Plant and Industry na kasama sa team ay iligal na ipinasok sa bansa dahil wala itong permit.

Itinurn over na ang mga ito sa Bureau of Plant Industry o BPI para sa proper disposition.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.