Halos 5 milyong high grade marijuana nasabat sa Pampanga

Aabot sa 4.8 milyong pisong halaga ng Kush o high grade marijuana ang nasabat ng mga awtoridad sa Port of Clark sa Pampanga.

Ayon sa BOC, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency ay nasabat ang halos 3 libong gramo ng Kush.

Nadiskubre ang iligal na droga sa isang shipment mula sa California, USA.

Idineklara ito bilang fishing net pero matapos sumalang sa eksaminasyon ay nakitang iligal na droga pala ang laman nito.

Nag-isyu na ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing shipment dahil sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *