Handog Edukasyon, ipinagkaloob sa mga mag-aaral sa lalawigan ng Zambales

Bago pa nagkaroon ng pandemya ng COVID-19, nagkaroon na ng validation para sa mga mag-aaral sa lalawigan ng Zambales na nasa senior high at college.

Kaugnay ito ng tulong na ipinagkaloob sa mga mag-aaral mula sa tanggapn ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr.

Nasa 4,500 na mga mag-aaral ang inaasahang makikinabang sa Handog Edukasyon ng lalawigan ng Zambales.

Ang mga mag-aaral na hindi pa nakasama sa mga unang nabigyan, ay inatasang magsumite na ng kanilang requirements para sa kanilang educational assistance, at maghintay ng tawag para malaman ang schedule ng kanilang pagkuha nito.

Nagpapasalamat naman ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang sa tulong na kanilang natanggap.

Ulat ni Alvir Delos Santos

Please follow and like us: