Hatol na guilty sa lalaking nagpanggap na abogado na matagal nang patay, pinagtibay ng SC

Napatunayan ng Korte Suprema na guilty ang isang lalaki na nagpanggap na abogado na matagal nang patay.
Sa desisyon ng Supreme Court Third Division, kinatigan nito ang conviction kay Pedro Nollora Pequero sa kasong use of illegal alias and use of fictitious name, na may parusang apat na buwang pagkakakulong.
Si Pequero ay naaresto ng NBI sa entrapment operation noong 2011 matapos ireklamo na nagpapanggap sa mga korte at kliyente bilang si “Atty. Epafrodito Nollora,” na namatay noon pang 1986.
Sinabi ng SC na nagdulot ng malaking pinsala sa mga kliyente ni Pequero ang pagpapanggap nito bilang si Atty. Nollora, na paglabag sa Anti Alias Law at Revised Penal Code.
Moira Encina-Cruz