Health Sec. Duque, nag-iikot sa mga matataong lugar para tiyaking nasusunod ang Public health standards

Muling nag-iikot si Health Secretary Francisco Duque III sa mga matataong lugar sa Metro Manila.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 lalo na sa Metro Manila.

Ngayong araw, nag-iikot si Duque sa Baclaran sa Parañaque city na isa sa mga matataong lugar sa lungsod.

Matapos ito ay magtutungo naman si Duque sa Guadalupe Public Market sa Makati City.

Layon ng pag-iikot ng kalihim na masigurong nasusunod ang minimum public health standards kontra Covid-19 lalo na sa mga matataong lugar.

Ang Parañaque at Makati City ay kabilang sa Top 15 areas na tinukoy ng Octa Research Team na nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.

Sa pinakahuling datos ng Makati City LGU, nasa 905 ang aktibong kaso ng covid 19 sa kanilang Lungsod, habang sa Parañaque naman ay nasa 725 naman ang active Covid cases.

Madz Moratillo

Please follow and like us: