Health Secretary Duque, maaring maharap sa kaso dahil sa kapabayaan sa pagbili ng bakuna

Maari umang maharap sa kaso si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa kapalpakan sa pagpo-proseso ng kasunduan para sa COVID -19 Vaccine sa kumpanyang Pfizer.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, kasong gross negligence at anti- graft law ang maaring kaharapin ng kalihim kung mapapatunayang nagpabaya ito sa kasunduan.

Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin jr. na may isang opisyal na nagpabaya kaya naapektuhan ang shipment ng 10 million Pfizer vaccines na nakatakda na sanang i-deliver sa Enero.

Sinabi ni Pangilinan sana raw at hindi nagkaroon ng isyo ng kickvacc kaya nagkaroon ng dropping of the ball sa bakuna .

Inihayag pa ng senador ang isyu ay tatalakayin oras na mag-convene na ang Committee of the whole sa isyu ng Vaccination Program ng Gobyerno.

Meanne Corvera

Please follow and like us: