Heroes welcome sa pagbabalik bansa ni Pacman, kasado na

Bigo mang mapanatili ang titulo, magkakaroon pa rin ng heroes welcome si Sen. Manny Pacquiao sa kaniyang pagbabalik sa bansa matapos ang laban kay Jeff Horn sa Brisbane Australia.

Ayon kay Lady Manalo ng lokal na pamahalaan ng General Santos City, ibat-ibang aktibidad  ang gagawin para sa pagdating ng fighting Senator.

Una nang naiulat na darating ang team Pacquiao sakay ng isang chartered plane mamayang hapon.

Gaya ng nakagawian, inaasahang sasalubungin si Pacquiao sa Gensan International Airport ng mga opisyal ng Gensan Local Government Unit at Sarangani na may airport reception, motorcade at presscon.

Ulat ni: Kukay Tarrayo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *