Hidilyn Diaz, positibo na rin sa COVID-19

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Sa kaniyang social media account ay sinabi ni Diaz na positibo ang resulta ng kaniyang test sa Phil. Red Cross, kaya’t agad siyang nagself-isolate para hindi na makahawa pa sa iba.

Nagpaalala rin ang atleta na patuloy na mag-ingat para makaiwas at sundin ang ipinatutupad na safety and health protocols.

Umulan naman ng mga mensahe mula sa kaniyang mga ttagahang para sa mabilis na paggaling ng Pinay weightlifter.

Si Diaz ay fully vaccinated na at noong Enero 4 ay nakatanggap na rin ng booster shot.

Si Diaz ay kasalukuyang nag-eensayo bilang paghahanda sa lalahukang mga torneo kabilang ang Southeast Asian Games at Asian Games nang siya ay magpositibo.

Samantala, paghahandaan din niya ang 2024 Paris Olympics, kung saan ipagtatanggol nito ang titulong napanalunan sa Tokyo Olympics.

Please follow and like us: