Highlights ng inagurasyon ni VP Elect Sara Duterte , Idinetalye

Idinetalye na ni Vice President elect Sara Duterte ang ilan sa magiging highlights ng kaniyang inagurasyon sa linggo, June 19.

Ayon kay Duterte, si Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando ang magpapanumpa sa kaniya bilang ika labinlimang pangalawang Pangulo ng bansa.

Sinabi ni Duterte, napili niya si Hernando dahil isa ito sa kaniyang mga dating professor at naging kaibigan sa nakalipas na sampung taon.

Walang ibang magiging aktibidad si Duterte bago ang araw ng kaniyang inagurasyon at mananatili lang ito sa kanilang tahanan sa Davao city .

Ang inagurasyon ni Duterte ay gagawin sa San pedro square na magsisimula ng alas tres ng hapon pagkatapos ng kaniyang panunumpa ay magkakaroon ng musikahan-pasasalamat kung saan iba’t ibang artists ang magtatanghal na magtatagal hanggang alas onse ng gabi.

Papayagan naman ang publiko sa lugar simula alas-dos ng hapon.

Samantala, kinumpirma ni Liloan Mayor Christina Frasco na dadalo sa inagurasyon si Pangulong Duterte.

Inimbitahan pero hindi pa tiyak kung makadadalo si Vice president Leni Robredo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: