Higit 100 bagong recoveries mula sa Covid-19, naitala sa hanay ng PNP

Nakapagtala ang Philippine National Police ng 115 bagong mga gumaling mula sa Covid-19.

Sa datos ng PNP Health service ngayong June 3, pumalo na sa 22,645 ang recovery cases sa kanilang hanay.

Gayunman, nakapagtala ang PNP ng karagdagang 125 kaso kaya pumalo na sa 24,372 ang kabuuang kaso ng Covid-19.

Mula sa nasabing bilang, nasa 1,660 ang active cases.

Nasa 67 naman ang death toll kung saan isang 47-anyos na Police Executive Master Sergeant na nakatalaga sa Tagum City ang pinakahuling namatay dahil sa virus infection.

Please follow and like us: