Higit 100 pamilyang apektado ng road widening sa Pangil, Laguna binigyan ng cash assistance at food packs

Mahigit 100 pamilya na naapektuhan ng road widening sa Barangay Balian, Pangil, Laguna ang pinagkalooban ng lokal na pamahalaan ng food packs at cash assistance.

Ang food packs ay naglalaman ng mga de lata at bigas na mula sa pamahalaang lokal ng San Pablo City.

Ang cash assistance naman ay mula sa pamahalaang lokal ng Calamba City at Biñan City, Laguna na ipinagkaloob sa local government unit ng Pangil para siyang ipamahagi sa higit 100 pamilya.

Upang mapanatili naman ang social distancing at walang malabag sa ipinatutupad na health protocols, ay namahagi ng stub para na rin mapanatili ang kaayusan ng pamamahagi.

Tumulong sa seguridad at pamamahagi ang Pangil police, local at barangay officials.

Nagpasalamat naman ang mga napagkalooban ng tulong, partikular ang mga nawalan ng tirahan.

Edna Mayores

Please follow and like us: